Wednesday, January 19, 2005

bagong taon

2004 yearender:

bumagyo, bumaha, lumindol, umalon, kamatayan.


2005:

nilinis na naman ng kapitbahay ko ang harap ng bahay ko kaninang umaga. nire-arrange din niya ang mga halaman kong nangamamatay na. ang ganda na naman dito. maaliwalas at mukhang maluwag.

masama ba akong kapitbahay?

Wednesday, November 24, 2004

akaw invaders



mayric's



outside



inside



ginger



rock on!



akaw invaders

watch out for more at
batang baler.

Thursday, November 18, 2004

malapit na

bukas na ang invasion. wala pa rin ako pera. singkwenta pesos na lang at isang roll ng film ang meron ako. pautang.

Wednesday, November 10, 2004

Friday, November 05, 2004

rice and beans

hah! bush won. and for the past two days i've been on a diet of rice and beans. i'm not complaining. damn those beans.

Tuesday, October 19, 2004

october sky

i'm back but i'm leaving again soon. for all who aren't familiar with, i'm doing UN work as a travel photographer. i'll be covering two events this time. one is a grand opening of a mall and the other a surfing competition. i may even shoot a small rock concert next month, if time permits.

i hope teeter-totter kerry loses. i'm for bush. he's butt ugly but i like him. i don't think it's that difficult to lead a nation. in fact, i have the solutions to the philippines' top five problems:

1. rice prices are too high - don't eat rice.
2. meat prices are too high - eat vegetables.
3. vegetable prices are too high - get a job.
4. salary too low - get a higher paying job.
5. gas prices are too high - tumae ka ng gasolina. isang barrel.

see? how hard was that? now, let's all get back to reality.
i still have some unwork to do.

Thursday, September 23, 2004

walang magawa

wala akong magawa. dapat meron. pero wala eh. madami ako naiisip. pero wala ako magawa. naisip ko, "bakit hindi ko itumba yung dalawang lata ng san mig light na natira nung isang linggo? ang sarap nun, malamig na malamig, isang linggo na sa ref". at siya ko ngang ginawa. mabuti na iyon kaysa manginain na naman ako. gabi na eh. ubos agad yung isa bago pa man ako maka login sa website ng blogger. kukunin ko na sana yung isa pa pero tinamad ako. mamaya na lang. wala akong sigarilyo.

lumindol nung isang linggo. nasa baba ako nagtitimpla ng inumin. mga alas tres ng madaling araw. may narinig akong mababang ugong, pagkatapos yumanig na ang lupa. taas-baba, malapit lang ang epicenter. natakot ako. baka mag-collapse ang bahay, madami kasing cracks ang pader nito. takbo ako sa itaas. muntik pa akong madapa sa hagdanan dahil sa pagyanig. tanginang yun.

nung isang linggo rin pala nasa amazing race si luli. at this point, kalahating oras na ako sa harap ng computer at iyan na lahat ang naisulat ko. sana may yosi. kaya lang masama sa kalusugan iyon. buti na lang wala ako. kukunin ko na yung isa pang beer. mas maganda yata kung kumain na lang ako kaysa uminom. bitin eh. burger machine masarap. yung bago at mainit pa.

pinutol ko ng nga pala yung puno ng papaya sa harap ng bahay. lumiwanag. nakakahinga na nang maluwag ang mga kapitbahay. at taas noo na ako ngayon tuwing lumalabas.

nakatulog ako sa harap ng komputer. kakain na ako.

Saturday, September 11, 2004

i'm back

more than two weeks akong wala. parang gubat na ang harap ng bahay. buti na lang hindi nilinis ng kapitbhay ko. kundi wala na naman ako magagawa kundi mahiya.

Wednesday, August 25, 2004

labada

naglaba ako kagabi. 10:30pm hanggang 1:30am.
tapos nag-internet. nakatulog ako. mga 2:30am na nun.
di ko na namalayan na umulan pala ng malakas.
nagising ako ng 11:30am kanina.
kakain sana ako kaya lang walang pagkain.
nag internet na lang ulit ako.

Thursday, August 19, 2004

my music

these days, i find myself listening more and more to:

liz phair
ashley simpson
avril lavigne

what is wrong with me?

Saturday, August 14, 2004

baler witch project

blog ng isa pang taga-baler:

baler witch project

mga litrato ko

napa-scan ko na ang karamihan ng mga kuha ko. may mga dalawa o tatlo pang rolls ng negatives ang nawawala. nakasampu na ako. pag nahanap at na-upload ko na lahat, ipo-post ko dito ang link.

sa ngayon eto muna:

World Tribe / Badfish in Baler --- July 2004

ang mga litrato na nasa itaas na link ay kuha ko gamit ang isang olympus na point and shoot camera. isang simpleng inuman na nauwi sa tugtugan nina ricky ng worldtribe (CA, USA) at alvin ng badfish (Baler, Aurora, RP). biram-bira na talaga!

badfish
ricky guinto
world tribe
dub7

Friday, August 13, 2004

advanced camera repair techniques

Advanced Camera Repair Techniques.

For professionals only.
Please do not try this at home.

Step 1: Use the proper tools
Step #1: A camera is a delicate instrument. Use only the proper tools to gently open the case.

Step 2: Never give up.
Step #2: When all else fails, and I'm sure it will, use whatever is available. Nothing beats a strong pair of pliers or a good sharp saw. Man, those engineers think they're smarter than everyone else. Don't be a victim. Take control of the situation. Think, explore options, push something here, pull something there. Every small step you take brings you closer to success. Remember, quitters are losers!

Step #3: At this point, you should have a mangled piece of metal in your hands. Go sell it to an even lesser idiot than you are.

David vs. Goliath

photo taken earlier this year.

man-eating octopus

it survived the bonfire. was there any, btw?

Thursday, August 12, 2004

ang panaginip

ang mga salaysayin sa ibaba ay base sa mga tunay na pangyayari.
wala akong ginawa kundi kopya/dikit mula sa email.
ito ay naikwento sa akin may isang buwan na ang nakakaraan
at sa kung ano mang kadahilanan ay napagkasunduan namin ng may
akda na ako ang maglalathala pero itatago ko ang kanyang pagkatao.
ayaw niyang magpakilala. basta parang ganun. matagal na kasi.
ang malinaw ay hindi akin ang panaginip na iyan.


---[ simula ]---

Nanaginip ako nung isang gabi. Kasama ko ang isang
kaibigan ko na isang doktor at andun kami sa kanyang
klinika sa isang gusali na mataas at trendy. Habang
naguusap kami kasi wala namang siyang mga pasiyente
noong mga oras na iyon, nakaradam ako ng sakit ng
sikmura at parang nagkulang ako ng pag-iisip sa
pagpili ng pagkain ng umagahan. Naramdaman ko na
kelangan ko na bumisita sa kasilyas sa madaling
salita.

Sinabi ko yun sa aking kaibigan na tawagin na lang
nating Shiminik. Sabi naman niya na akyat kami sa
kanyang bahay sa may itaas na palapag. Umakyat kami
at nung andun na kami sa kanyang pad ay sumaglit muna
siya sa isang kuwarto tapos naiwan ako sa sala at
tumayo muna doon. Nagtitimpi ako hanggang magkaroon
ako ng pagkakataon nun. Hindi ko rin matantiya kung
pumasok din siya sa C.R. kasi natagalan din siya.

Nakita ko ang kanyang gitara na kulay itim at ovation
pa, at kinuha ko muna para maglibang at maalis ang
aking focus sa aking tensiyonadong at naninikip na
tiyan. Tumutog ako, 'I'll Remember You' ng bandang
Skid Row. Nung nasa may refrain na ako, nagkakamali
ako ng chords kasi ang aking utak ay nagugulo pa rin
ng aking tiyan. Mayroong ding tao akong napansin na
nakaupo sa sala ngunit nakatalikod siya sa akin at
blond ang buhok niya at nakabandana. Tumalikod siya
para humarap sa akin, at siya pala ay si Brett
Michaels. Natapos na ako ng kanta at napansin ng
aking mga mata na lumabas si Jake sa kuwarto na ang
hinala ko ay ang C.R. ngunit kinausap ako ni Brett
Michaels at ang sabi niya ay, "C'mon, play more."

At nagising na ako nun.

---[ wakas ] ---

Friday, July 23, 2004

pimiento!

naging matagumpay ang pagbabaklas namin ni marc sa pentax camera. kailangan lang ng konting mantra. maayos din naming naibalik. sumobra pa nga ng dalawang piyesa. bungi-bungi at mas madaming gasgas ngayon yung camera. sa awa naman ng diyos ay hindi pa rin gumagana. at lalong hindi na mapindot ang shutter. nakalubog na lang lagi. balang araw ay maisasapelikula ko rin ang talambuhay ng camerang ito. ilalahad ko ang mga paghihirap ng kanyang dinanas. gayundin naman ang kanyang mga tagumpay na dulot ng kanyang mga pagpupunyagi. kung meron man. at ano ang aral na mapupulot dito? madami. hindi kami marunong mag-repair ng camera. kung kaya mong kalasin, baka hindi mo na maibalik. kung naibalik mo, malamang bungi-bungi na at tadtad na ng gasgas. kung balak mong magpuyat, manigarilyo at uminom ng coke light magdamag ng walang humpay ay uminom ka rin ng tubig. huwag maghilik pag nakikitulog sa ibang bahay dahil nakakahiya talaga. ang pagkuha ng magandang larawan ay nasa photographer at wala sa camera.

Tuesday, July 20, 2004

balisa

wala na naman akong maisulat. nangongolekta lang ako ng mga mp3 ngayon. gusto kong maging direktor. gusto kong gumawa ng pelikula. kahit mga sampung minuto lang. 70's ang setting. o kaya outer space. tagalog.

Wednesday, July 07, 2004

camera fixed

naayos ko na rin yung problema sa rear cover ng pentax. nung una sinusungkit ko ko yung latch na kumakawit sa rear cover. mahirap. at imposible. ginamitan ko ng paper clip para yung lock nut ng rewind shaft ang masungkit ko at ayun. ayus na.

maraming salamat sa mga sumusunod:

kyphoto forums
phphoto yahoogroup

Sunday, July 04, 2004

mga ginintuang aral

"Ang tumakbo sa laban ay hindi karuwagan. Ito ay paghahanda para sa kinabukasan."
-- L.L.

"Ang lumaban ng hindi handa ay katangahan."
-- L.L.

"Ah, ay talagang pag panahon ng habagat uso ang trangkaso."
-- A.L.

Wednesday, June 23, 2004

the other lens

nakahanap si marc ng maayos na pic ng cosina.


Cosina 75-200/4.5 AF Zoom

dito galing yung pic:
french page