Thursday, August 12, 2004

ang panaginip

ang mga salaysayin sa ibaba ay base sa mga tunay na pangyayari.
wala akong ginawa kundi kopya/dikit mula sa email.
ito ay naikwento sa akin may isang buwan na ang nakakaraan
at sa kung ano mang kadahilanan ay napagkasunduan namin ng may
akda na ako ang maglalathala pero itatago ko ang kanyang pagkatao.
ayaw niyang magpakilala. basta parang ganun. matagal na kasi.
ang malinaw ay hindi akin ang panaginip na iyan.


---[ simula ]---

Nanaginip ako nung isang gabi. Kasama ko ang isang
kaibigan ko na isang doktor at andun kami sa kanyang
klinika sa isang gusali na mataas at trendy. Habang
naguusap kami kasi wala namang siyang mga pasiyente
noong mga oras na iyon, nakaradam ako ng sakit ng
sikmura at parang nagkulang ako ng pag-iisip sa
pagpili ng pagkain ng umagahan. Naramdaman ko na
kelangan ko na bumisita sa kasilyas sa madaling
salita.

Sinabi ko yun sa aking kaibigan na tawagin na lang
nating Shiminik. Sabi naman niya na akyat kami sa
kanyang bahay sa may itaas na palapag. Umakyat kami
at nung andun na kami sa kanyang pad ay sumaglit muna
siya sa isang kuwarto tapos naiwan ako sa sala at
tumayo muna doon. Nagtitimpi ako hanggang magkaroon
ako ng pagkakataon nun. Hindi ko rin matantiya kung
pumasok din siya sa C.R. kasi natagalan din siya.

Nakita ko ang kanyang gitara na kulay itim at ovation
pa, at kinuha ko muna para maglibang at maalis ang
aking focus sa aking tensiyonadong at naninikip na
tiyan. Tumutog ako, 'I'll Remember You' ng bandang
Skid Row. Nung nasa may refrain na ako, nagkakamali
ako ng chords kasi ang aking utak ay nagugulo pa rin
ng aking tiyan. Mayroong ding tao akong napansin na
nakaupo sa sala ngunit nakatalikod siya sa akin at
blond ang buhok niya at nakabandana. Tumalikod siya
para humarap sa akin, at siya pala ay si Brett
Michaels. Natapos na ako ng kanta at napansin ng
aking mga mata na lumabas si Jake sa kuwarto na ang
hinala ko ay ang C.R. ngunit kinausap ako ni Brett
Michaels at ang sabi niya ay, "C'mon, play more."

At nagising na ako nun.

---[ wakas ] ---

No comments: