Friday, July 23, 2004
pimiento!
naging matagumpay ang pagbabaklas namin ni marc sa pentax camera. kailangan lang ng konting mantra. maayos din naming naibalik. sumobra pa nga ng dalawang piyesa. bungi-bungi at mas madaming gasgas ngayon yung camera. sa awa naman ng diyos ay hindi pa rin gumagana. at lalong hindi na mapindot ang shutter. nakalubog na lang lagi. balang araw ay maisasapelikula ko rin ang talambuhay ng camerang ito. ilalahad ko ang mga paghihirap ng kanyang dinanas. gayundin naman ang kanyang mga tagumpay na dulot ng kanyang mga pagpupunyagi. kung meron man. at ano ang aral na mapupulot dito? madami. hindi kami marunong mag-repair ng camera. kung kaya mong kalasin, baka hindi mo na maibalik. kung naibalik mo, malamang bungi-bungi na at tadtad na ng gasgas. kung balak mong magpuyat, manigarilyo at uminom ng coke light magdamag ng walang humpay ay uminom ka rin ng tubig. huwag maghilik pag nakikitulog sa ibang bahay dahil nakakahiya talaga. ang pagkuha ng magandang larawan ay nasa photographer at wala sa camera.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang pagkuha ng magandang larawan ay nasa photographer at wala sa camera.
i agree~
kahit pa gaano kamahal o kagaling ang dala dala mong camera kung wala namang saysay at di mo nabigyan ng buhay ang isang kuhang larawan, hinde ito llabas na maganda!
ayon ako sa yo! siguradong magaling kang kumuha ng larawan ano?
from: decembersky.com ^-^
Post a Comment