Wednesday, June 09, 2004

tahimik

naging maulan ang nakalipas na dalawang linggo. bago pa nito ay umuwi ako sa aming probinsiya. isang linggo ako doon. maulan na din. buti na lang at hindi ako inabutan sa biyahe, kundi stranded ako. kukunan ko sana ng litrato ang pagsikat ng araw sa may tabing-dagat kaya lang hindi ko nagawa kasi nga maulan. maganda sana yun. nung minsan sumikat ang araw tinanghali naman ako ng gising. buti na lang may tapang usa. ang sarap. inuwi ko sa maynila yung extra. para may makain ako. wala akong makain dito eh. mas masarap sana kung tapang baboy-damo pero usa lang ang meron eh. sorry na lang ako.

balik tayo sa nakalipas na dalawang linggo. wala na ang three stooges pag 2pm sa ch23. maulan nga gaya ng nasabi ko na. buti naman kasi malamig. at hindi ko na kailangan magdilig ng halaman. kaya lang nagbabaha. kahit saan. at walang masakyan. pero okey lang kasi bihira ako lumabas ng bahay. kaya walang laman ang refrigerator ko. tubig, yelo, salad dressing. walang gulay na pang salad. minsan may coke pero nauubos din. hindi ko naman pwede ilagay yung mga noodles at de-lata doon. de-lata yun eh. at noodles.

nag-install ako ng pirated xp sa dalawang kaibigan ko na matataba. yung isa taga sucat. yung isa taga san pedro, laguna. kung ako sa kanila nag linux na lang sila. free pa. mapilit sila eh. pag bawal, bawal.

1 comment:

Anonymous said...

ang alam ko, mapilit yung naginstall. hehe