Tuesday, June 22, 2004

bagong laruan

nahiram ko nung linggo sa barkada ko and isang lumang camera at dalawang lente nito. ang camera ay Pentax ME Super na kulay itim. av/tv/auto/manual. ang mga lente naman ay Tamron 35-70/3.5 17A at Cosina 75-200/4.5 AF Zoom. sira ang shutter ng camera, ayaw mag release pero pwedeng ikasa. kahit paulit ulit ikasa pwede. hindi dapat ganon. yung mga lente maayos pero kailangan nang linisin. may amag sa loob. pero kahit pa ganun ang kalagayan nito ay nakakatuwa pa rin dahil may bago akong kakalikutin kapag walang magawa.





Pentax ME Super (black)
ganito yung nasa akin ngayon. limited edition yata yung black. madaming magagandang reviews ang nakita ko tungkol sa camera na ito. search mo sa google.





Pentax ME Super (silver, front)
ito yung silver version. mas malinaw ang detalye dito.





Tamron 35-70/3.5 17A
gumagamit ito ng "adaptall-2" system para maisalpak sa K-mount ng ME super.
pwede ito gamitin sa ibang camera basta meron kang adaptall version para sa camera na iyon. ibig sabihin, yung pang mount ang bibilihin mo, hindi panibagong lente.

adaptall-2



Cosina 75-200/4.5 AF Zoom:

wala akong mahanap na pics ng cosina lens. de baterya ito, tatlong AAA. power zoom/autofocus.



hinanap ko sa internet ang specs ng camera at kung papaano na rin ito distrongkahin. ito ang nahanap ko: pentaxramblings. ayos. kaya ko ito. sinave ko yung page at binasa paulit ulit.
kailangan ko lang mabuksan para makita kung ano yung umiipit sa shutter release. kung maaayos ko, edi okey. kung hindi, okey lang din. at least i tried. sana lang maibalik ko. sinimulan ko nang distrongkahin kaninang mga alas tres ng hapon.





Pentax ME Super (silver,rear)

ito yung likod ng camera. sa ilalim ng rewind knob yung film canister. dun sa puti sa kabilang side iniipit at pumupulupot ang film kapag ikinasa.

ang rewind knob ang nagsisilbing latch para mabuksan ang back cover. inaangat yung lever tapos hihilahin pataas. ginagawa lamang ito pagkatapos ma-rewind yung film o kaya ay kung maglalagay ng panibago. binuksan ko ang likod ng camera.

halos iisa lang ang paraan para makalas ang ang mga ganitong klase ng camera. uunahin muna ang malalaking tornilyo sa wind lever at rewind knob. isusunod ang mga maliliit ng tornilyo sa ibabaw na kaha. pagkatapos yung sa ilalim na kaha kung kinakailangan. huli yung mga pangloob na tornilyo.

wala akong kagamitan na akma para dito. ayoko din magasgasan ang camera. hindi sa akin ito eh. hindi ko maalis yung tornilyo sa pangkasa. inuna ko na muna yung sa rewind knob. madali naman naalis kasama yung shaft ng humahawak sa film canister. pinagtornilyo ko muna ang dalawa para wag mawala. nag ring ang telepono ko. sinara ko muna at itinabi yung camera. usap usap. pagkatapos balik ako sa camera. bubuksan ko na sana ulit nang makita ko yung rewind knob sa ibabaw ng mesa. putaragis.

No comments: