Wednesday, June 23, 2004

the other lens

nakahanap si marc ng maayos na pic ng cosina.


Cosina 75-200/4.5 AF Zoom

dito galing yung pic:
french page

Tuesday, June 22, 2004

bagong laruan

nahiram ko nung linggo sa barkada ko and isang lumang camera at dalawang lente nito. ang camera ay Pentax ME Super na kulay itim. av/tv/auto/manual. ang mga lente naman ay Tamron 35-70/3.5 17A at Cosina 75-200/4.5 AF Zoom. sira ang shutter ng camera, ayaw mag release pero pwedeng ikasa. kahit paulit ulit ikasa pwede. hindi dapat ganon. yung mga lente maayos pero kailangan nang linisin. may amag sa loob. pero kahit pa ganun ang kalagayan nito ay nakakatuwa pa rin dahil may bago akong kakalikutin kapag walang magawa.





Pentax ME Super (black)
ganito yung nasa akin ngayon. limited edition yata yung black. madaming magagandang reviews ang nakita ko tungkol sa camera na ito. search mo sa google.





Pentax ME Super (silver, front)
ito yung silver version. mas malinaw ang detalye dito.





Tamron 35-70/3.5 17A
gumagamit ito ng "adaptall-2" system para maisalpak sa K-mount ng ME super.
pwede ito gamitin sa ibang camera basta meron kang adaptall version para sa camera na iyon. ibig sabihin, yung pang mount ang bibilihin mo, hindi panibagong lente.

adaptall-2



Cosina 75-200/4.5 AF Zoom:

wala akong mahanap na pics ng cosina lens. de baterya ito, tatlong AAA. power zoom/autofocus.



hinanap ko sa internet ang specs ng camera at kung papaano na rin ito distrongkahin. ito ang nahanap ko: pentaxramblings. ayos. kaya ko ito. sinave ko yung page at binasa paulit ulit.
kailangan ko lang mabuksan para makita kung ano yung umiipit sa shutter release. kung maaayos ko, edi okey. kung hindi, okey lang din. at least i tried. sana lang maibalik ko. sinimulan ko nang distrongkahin kaninang mga alas tres ng hapon.





Pentax ME Super (silver,rear)

ito yung likod ng camera. sa ilalim ng rewind knob yung film canister. dun sa puti sa kabilang side iniipit at pumupulupot ang film kapag ikinasa.

ang rewind knob ang nagsisilbing latch para mabuksan ang back cover. inaangat yung lever tapos hihilahin pataas. ginagawa lamang ito pagkatapos ma-rewind yung film o kaya ay kung maglalagay ng panibago. binuksan ko ang likod ng camera.

halos iisa lang ang paraan para makalas ang ang mga ganitong klase ng camera. uunahin muna ang malalaking tornilyo sa wind lever at rewind knob. isusunod ang mga maliliit ng tornilyo sa ibabaw na kaha. pagkatapos yung sa ilalim na kaha kung kinakailangan. huli yung mga pangloob na tornilyo.

wala akong kagamitan na akma para dito. ayoko din magasgasan ang camera. hindi sa akin ito eh. hindi ko maalis yung tornilyo sa pangkasa. inuna ko na muna yung sa rewind knob. madali naman naalis kasama yung shaft ng humahawak sa film canister. pinagtornilyo ko muna ang dalawa para wag mawala. nag ring ang telepono ko. sinara ko muna at itinabi yung camera. usap usap. pagkatapos balik ako sa camera. bubuksan ko na sana ulit nang makita ko yung rewind knob sa ibabaw ng mesa. putaragis.

Saturday, June 19, 2004

aircon at langgam na naman

nasira ang aircon ko. naka aircon ako mula tanghali kanina hanggang mga alas-singko ng hapon. nung akma ko nang papatayin may naamoy ako. amoy gomang nasusunog. pero slight lang. akala ko sa labas nanggaling. in-ignore ko. pinatay ko na at binuksan ang mga bintana. nawala ang amoy. ngayong gabi maalinsangan na ulit kaya binuksan ko. warm-up for 3 minutes. nilagay ko sa "cool" at lumabas ako sandali ng kwarto. pagbalik ko andun na naman yung amoy. parang sirang clutch ng kotse. nakita ko may manipis na usok na nanggagaling sa aircon ko. pinatay ko agad. wala akong aircon. hindi naman talaga mainit ngayon. maarte lang ako.

inaatake na naman ako ng langgam. bagong langgam na ito. pula pero maliliit, yung nambubutas ng damit. at persistent sila. ilang beses ko nang insispreyan ng baygon bumabalik pa rin.


http://tikbalang.tk/
damiencortex
tintabaluarte
octopusgarden
edsel

Wednesday, June 16, 2004

tikbalang

http://tikbalang.spymac.net/
http://tikbalang.tk/
http://balisawsaw.tk/

Monday, June 14, 2004

ayaw ko na ng kanin!

hindi ako nagkasakit. nagbayad ako ng mga bills. habang nandoon ay nagcrave ako ng meat protein. bili ako ng (1) big classic triple with cheese at (2) cheeseburgers sa wendy's. uwi. ubos. tawag barkada ko inom daw. punta ako. uwi maaga. di na naman ako makakabiyahe bukas.

Sunday, June 13, 2004

masama ang pakiramdam ko

mukhang magkakasakit yata ako. trangkaso. masakit ang katawan ko at medyo mainit ng paligid ng mga mata ko. 2:15am na ng madaling araw. kumakain ako ng maling at keso. tinapay na lang at sandwich na. wala nga lang ako nun. may isa pa akong invite para sa gmail. ipapamigay ko ito kaya lang di ko pa alam ang magandang criteria ng pagbibigyan ko. ubos na ang kinakain ko ito lang ang naisulat ko.

http://tikbalang.tk

Wednesday, June 09, 2004

tahimik

naging maulan ang nakalipas na dalawang linggo. bago pa nito ay umuwi ako sa aming probinsiya. isang linggo ako doon. maulan na din. buti na lang at hindi ako inabutan sa biyahe, kundi stranded ako. kukunan ko sana ng litrato ang pagsikat ng araw sa may tabing-dagat kaya lang hindi ko nagawa kasi nga maulan. maganda sana yun. nung minsan sumikat ang araw tinanghali naman ako ng gising. buti na lang may tapang usa. ang sarap. inuwi ko sa maynila yung extra. para may makain ako. wala akong makain dito eh. mas masarap sana kung tapang baboy-damo pero usa lang ang meron eh. sorry na lang ako.

balik tayo sa nakalipas na dalawang linggo. wala na ang three stooges pag 2pm sa ch23. maulan nga gaya ng nasabi ko na. buti naman kasi malamig. at hindi ko na kailangan magdilig ng halaman. kaya lang nagbabaha. kahit saan. at walang masakyan. pero okey lang kasi bihira ako lumabas ng bahay. kaya walang laman ang refrigerator ko. tubig, yelo, salad dressing. walang gulay na pang salad. minsan may coke pero nauubos din. hindi ko naman pwede ilagay yung mga noodles at de-lata doon. de-lata yun eh. at noodles.

nag-install ako ng pirated xp sa dalawang kaibigan ko na matataba. yung isa taga sucat. yung isa taga san pedro, laguna. kung ako sa kanila nag linux na lang sila. free pa. mapilit sila eh. pag bawal, bawal.