Wednesday, April 07, 2004

balintataw

Ano ang nasa dako pa roon?
Bunga ng malikot na pag-iisip
Likha ng balintataw
O halaw, sa isang daigdig ng kababalaghan
Na 'di kayang ipaliwanag
Ngunit alam mong magaganap...

May mga bagay na 'di maintindihan,
Mga bagay na 'di matanto,
Bagay na, dahil sa ating maka-mundong isip,
ay 'di maaninag.
Tanging ang mga kaluluwa natin lamang ang maka-uunawa
Sa mga misteryo sa mundong ito...