Friday, July 23, 2004
pimiento!
naging matagumpay ang pagbabaklas namin ni marc sa pentax camera. kailangan lang ng konting mantra. maayos din naming naibalik. sumobra pa nga ng dalawang piyesa. bungi-bungi at mas madaming gasgas ngayon yung camera. sa awa naman ng diyos ay hindi pa rin gumagana. at lalong hindi na mapindot ang shutter. nakalubog na lang lagi. balang araw ay maisasapelikula ko rin ang talambuhay ng camerang ito. ilalahad ko ang mga paghihirap ng kanyang dinanas. gayundin naman ang kanyang mga tagumpay na dulot ng kanyang mga pagpupunyagi. kung meron man. at ano ang aral na mapupulot dito? madami. hindi kami marunong mag-repair ng camera. kung kaya mong kalasin, baka hindi mo na maibalik. kung naibalik mo, malamang bungi-bungi na at tadtad na ng gasgas. kung balak mong magpuyat, manigarilyo at uminom ng coke light magdamag ng walang humpay ay uminom ka rin ng tubig. huwag maghilik pag nakikitulog sa ibang bahay dahil nakakahiya talaga. ang pagkuha ng magandang larawan ay nasa photographer at wala sa camera.
Tuesday, July 20, 2004
balisa
wala na naman akong maisulat. nangongolekta lang ako ng mga mp3 ngayon. gusto kong maging direktor. gusto kong gumawa ng pelikula. kahit mga sampung minuto lang. 70's ang setting. o kaya outer space. tagalog.
Wednesday, July 07, 2004
camera fixed
naayos ko na rin yung problema sa rear cover ng pentax. nung una sinusungkit ko ko yung latch na kumakawit sa rear cover. mahirap. at imposible. ginamitan ko ng paper clip para yung lock nut ng rewind shaft ang masungkit ko at ayun. ayus na.
maraming salamat sa mga sumusunod:
kyphoto forums
phphoto yahoogroup
maraming salamat sa mga sumusunod:
kyphoto forums
phphoto yahoogroup
Sunday, July 04, 2004
mga ginintuang aral
"Ang tumakbo sa laban ay hindi karuwagan. Ito ay paghahanda para sa kinabukasan."
-- L.L.
"Ang lumaban ng hindi handa ay katangahan."
-- L.L.
"Ah, ay talagang pag panahon ng habagat uso ang trangkaso."
-- A.L.
-- L.L.
"Ang lumaban ng hindi handa ay katangahan."
-- L.L.
"Ah, ay talagang pag panahon ng habagat uso ang trangkaso."
-- A.L.
Subscribe to:
Posts (Atom)