wala akong magawa. dapat meron. pero wala eh. madami ako naiisip. pero wala ako magawa. naisip ko, "bakit hindi ko itumba yung dalawang lata ng san mig light na natira nung isang linggo? ang sarap nun, malamig na malamig, isang linggo na sa ref". at siya ko ngang ginawa. mabuti na iyon kaysa manginain na naman ako. gabi na eh. ubos agad yung isa bago pa man ako maka login sa website ng blogger. kukunin ko na sana yung isa pa pero tinamad ako. mamaya na lang. wala akong sigarilyo.
lumindol nung isang linggo. nasa baba ako nagtitimpla ng inumin. mga alas tres ng madaling araw. may narinig akong mababang ugong, pagkatapos yumanig na ang lupa. taas-baba, malapit lang ang epicenter. natakot ako. baka mag-collapse ang bahay, madami kasing cracks ang pader nito. takbo ako sa itaas. muntik pa akong madapa sa hagdanan dahil sa pagyanig. tanginang yun.
nung isang linggo rin pala nasa amazing race si luli. at this point, kalahating oras na ako sa harap ng computer at iyan na lahat ang naisulat ko. sana may yosi. kaya lang masama sa kalusugan iyon. buti na lang wala ako. kukunin ko na yung isa pang beer. mas maganda yata kung kumain na lang ako kaysa uminom. bitin eh. burger machine masarap. yung bago at mainit pa.
pinutol ko ng nga pala yung puno ng papaya sa harap ng bahay. lumiwanag. nakakahinga na nang maluwag ang mga kapitbahay. at taas noo na ako ngayon tuwing lumalabas.
nakatulog ako sa harap ng komputer. kakain na ako.
Thursday, September 23, 2004
Saturday, September 11, 2004
i'm back
more than two weeks akong wala. parang gubat na ang harap ng bahay. buti na lang hindi nilinis ng kapitbhay ko. kundi wala na naman ako magagawa kundi mahiya.
Subscribe to:
Posts (Atom)